Wednesday, March 4, 2009
The Proud Buntis
I am now 32 weeks pregnant and will be giving birth to baby Mikaela Yzabelle "Kylie" Suarez next month. Ang laki na ng chan ko noh? Hehehe! My OB was asking me if I am worried about the pain. Honestly, I am not. Mejo confident ako. Why? Kasi nde ko naman alam pa kung ganu kasakit manganak e. Siguro nga masakit pero kung "ganu" kasakit nde ko alam so panu ako mag worry. And I think I get my confidence from the millions of mothers who have already given birth. Yung iba mas bata pa nanganak sakin, yung iba nga 12 times pa nanganak (like my lola). Minsan nga naiisip ko, kung masakit bat pa sila umuulit. Hehehe! Mas worried ako sa baby ko kesa sa sakit. Ang wish ko nde magka problem/complication ang delivery ko kay baby. Sana healthy and normal sya.
Actually nag tatanung tanung na din ako sa mga friends ko na nanganak na. Yung isa kong friend ang sabi sakin masakit daw na masarap. Sabi ko "huh? baka naman iba yang iniisip mo" hahaha! Ang explanation nya, masakit daw pero masarap kasi alam mo na daw yung feeling kung ganu kasakit. Hmmm... makes sense naman. Yung isa ko naman kakilala, hindi naman daw sya nasaktan. Nde naman daw masakit manganak! O diba. Nde ko alam kung malakas lang endurance nya sa pain or malaki kasi balakang nya. Sabi kasi pag malaki balakang nde mahirap manganak. Yung isa ko namang friend, sabi nya sigaw daw sya ng sigaw habang nanganganak sa sakit. Hehehe! Naisip ko tuloy ako kaya panu naman ang drama ko pag manganganak na ko. Pinag babantaan pa ko ni Jay-ar na i-video nya daw ako at yung mismong paglabas ng baby. Hahaha! Sabi ko sa kanya, ang worry ko baka sa sobrang ire ako ng ire, pupu na pala lumalabas sakin. Hahaha! Tawang tawa at the same time, diring diri sya sa idea. Hahaha!
Ang mama ko naman naalala ko nung manganganak na sya sa bunso kong kapatid e poised pa din sya. Sa bahay sya nag labor kasi hintay pa namin yung tito ko sunduin sya para dalin sa hospital. Wala kasi papa ko nun. Kaya sa bahay sya nag labor tapos pagdating sa hospital 2 hours lang yata nanganak na sya. Bakit ko sinabi poised pa din? Kasi during labor tahimik lang sya. Parang tinitiis ang sakit gracefully. Hehehe! Tingin ko kasi sa sarili ko mataas ang endurance ko sa pain. Sabi naman ni Jay-ar hindi daw kasi minsan masagi nya lang ako galit na galit na ko at sakit na sakit na ko. Hehehe!
Excited na ko manganak. Excited na kasi ako sa baby namin. Nde naman ako 100% worry-free. Kahit papanu may kaba pa din. Siguro 80% excited, 20% kabado. Syempre pray pa din ng pray na sana maging okay ang lahat. Sabi ni doc may epidural naman daw kung nde ko matiis ang sakit. Pero im hoping na nde ko na kailanganin nun.
Oh well, yun lang. Pray for us na lang po for the safe delivery of the baby. Excited na ko post pics dito ni baby Kylie. Can't wait!
Labels:
pregnancy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment