I still remember when I was still with Sunlife. Kapag nag si-sick leave ang mga tao dun, nde na kailangan ng medical certificate. Basta tatawag na lang ako kay Ces (boss ko) dati then sasabihin ko... masama pakiramdam ko then okay na yun. Sick leave na yun. We used to joke about it. Some people kasi, nag sasakit sakitan lang. Para lang magamit yung sick leave. Then a friend of mine made a justification about it. She said, I am SICK and tired of work so I took a sick leave. Hmmm... i thought she really had a point there.
And guess what?! I am on sick leave today. You read it right. Nasa bahay lang ako buong araw. Kasi may sakit ako kahapon pero okay na ko ngayun. So nag punta ako sa clinic last night to get some medicines and to get a medical certificate para ma credit yung leave ko from my sick leaves at makapag pahinga na din ngayun. Super dami ng medicines na binigay nila sakin! Meron for colds, fever, pain reliever, for sore throat and may anti-biotic pa. Buti na lang walang bayad. Hehehe! But as I've said okay na me ngayun. Actually, colds lang naman sakit ko. Mejo pinalala ko lang sa pamamagitan ng pag-arte. Hehehe! They bought it kaya eto bahay lang ako. Hahaha! Pero kidding aside, sabi sakin ng doctor may slight fever daw ako when she checked me up & I had a terrible headache due to colds. Buti na lang din hindi hectic ang trabaho ko. Nsa planning stage pa lang kasi kami ng isang major project & guess what again?! Ako ang gumagawa ng estimates! Waaah! Of all the things in project management, yun tlaga ang pinaka ayaw ko gawin at wala tlaga akong talent sa pag bibigay ng estimates noh! Ewan ko ba kung bat napaka irresponsible nung TL namin kasi naman, he should be the one doing that tapos sakin nya pa na-assign. Ay naku! Bahala na si batman.
Anyway... can you see the picture below? Well... another mini project ko ulit yan sa photoshop. Hehe! Ang babaw ko pero I am happy whenever I learn something new, even the smallest of things from photoshop. Ngayun, ang bago ko na namang trick na natutunan is to change the background color of a picture... See si sadako este ako lang ang colored dito sa picture na to. Yung background ko is color gray. O diba... Hehehe! Babaw ko noh... Another thing pa pala... Sa original picture maayus tlaga ang hair ko pero dito kita nyo naman ang gulo gulo na... Galing tlaga ang photoshop! Buy nyo? Hehehe!
Ayun lang... Wala naman tlaga me sasabihin kundi i-post lang na naka leave ako ngayun. Oo noh! Kailangan mai-post yun kasi first time in my FCS history na nag leave ako... Sayang, nde ko pa nalampasan ang 6 months bago mag leave. Hihihi! Oki lang din naman mag leave me kasi my blessing ako ng TL ko. Sabi nya sakin kahapon, mag leave na daw ako kasi naririnig nya ang mga singhot at ubo ko na tlaga naman ine-exag ko. Hahaha! Joke... Masama tlaga pakiramdam ko kahapon kasi naman 1 week ng nag uu-ulan dito. So ayun lang... Babush!
No comments:
Post a Comment