[what a subject combination! hehehe!]
Last Wednesday night, we planned to go to Eye on Malaysia kasi kinabukasan nun [Nov. 8] walang pasok dahil Deepavali also known as Diwali [Light Festival], which is a major event for Hindus. Nag abang kami ng taxi sa PWTC to go to Titiwangsa [where the Eye on Malaysia is located]. One station away lang naman sya from PWTC station [LRT station tapat ng condo namin] to Titiwangsa Station kaya lang mejo malayu daw kung lalakarin from Titiwangsa station kaya mag taxi na lang sana kami. Grabe, since Diwali eve nun, ang daming tao at parang lahat sila nag aabang ng taxi. Hehehe! So nag intay kami for 15 minutes then nung wala pa ding taxi sabi ko kay Jay-ar mag LRT na lang kami papuntang Titiwangsa tapos dun na lang kami mag abang ng taxi papuntang EOM. So ganun na nga ginawa namin. Kaya lang when we reached Titiwangsa parang worse pa ang case dun. Ang daming tao na nag aabang ng taxi! Ang dami naming kakumpetensya. Hehehe! So nag try lang muna kami for another 15 minutes mag abang ng taxi then chaka namin natanggap na it was time to give up. Haha! Sayang!!! Excited pa man din ako mag post ng pictures dito sa blog. Pero try ulit namin punta dun this weekend. Since wala na event this weekend, we are expecting na konti na tao at makakapunta na kami this time. So for now, since wala pa kong pics dun, this will do for the meantime. Next picture, kasama na ko nung ferries wheel. Hehehe! So kahapon naman walang pasok, sumama ko sa mga friendly friends ni Jay-ar may gym sa California Fitness sa may Midvalley. Guest lang muna ko kasi gusto ko lang i-try. Okay naman sya. Ang laki nung gym. Tapos kumpleto. May swimming pool pa nga kahit na nasa loob sya ng mall... Una, sabi ni Jessie [friend ni Jay-ar], mag cardio daw muna kami. So nag treadmill muna kami. Ang pinaka mabilis ko na speed is 6.0 pero minsan binababa ko sa 5.0 kasi napapagod na ko... And in 30 minutes non-stop [with occasional walking pag napapagod na ko], nakatakbo ako ng 2.5 KM!!! Syempre, first time ko kaya proud ako sa natakbo ko kahit alam ko compared sa iba.. chicken lang yan! hehehe! Si Jessie nga, 9 point something ang speed eh! At nde sya nag lalakad! Talagang tinakbo nya yun tuloy tuloy na 30 minutes!!! Galing! Tagal na sya kasi nag gym so tingin ko sanay na sanay na sya dun. Natuwa naman ako kasi pinawisan ako. Una pa lang try pinawisan na ko.
Anyway, ang next ko naman na-try is yung pang abs! Syempre yun talaga pinunta ko dun. Pampaliit ng tyan... Ang pinaka mahirap daw paliitin ay tyan. Haaaay!!! Una ang try ko is yung sit-ups na tlagang nakahiga ka from the start. Nde man lang naka slant ng konti para mas madali tumayo. Ay nde kinaya ng powers ko! Sabi pa dapat daw tuloy tuloy yun e nde ko nga mabuhat yung sarili ko. Hehehe! Instead na tyan ko ang nag cocontract, yung leeg ko sumasakit e. Hehehe! So obviously, I was doing it the wrong way. So try ko na lang ung ibang pang abs na mas madali like yung pampaliit ng upper abdomen, yung pampatanggal ng bilbil sa gilid, etc. Sorry nde ko alam tawag e. Pero 1st time ko lang nakita yung mga equipments na yun. Sabi pwede naman daw ako mag hire ng personal trainer kasi pag guest ka, bibigyan ka nila ng trainer for free kaya lang sabi nung friends ni Jay-ar mas mahihirapan daw ako pag may trainer kasi naman demanding daw yung mga yun. Talagang sasabihin nila kung ilan ang dapat mo gawin at iintayin ka nila matapos. Nakakahiya daw pag nde mo natapos. Ang maganda lang sa may personal trainer, masasabi nila sayu kung may mali ka ginagawa or nde mo ginagamit ng maayus yung equipment. After nun, nag shower na kami. Mga naka 1.5 hours din kami dun sa gym. Ang gs2 ko dun sa shower area is yung steam room. Super init tapos nde mo makita yung mga kasama mo sa room kasi super kapal ng usok. Pero very relaxing chaka tingin ko dun pa lang ang dami ng fats na ma-burn sayu kasi kahit naka upo ka lang, papawisan ka ng walang kapagod pagod. Nakakatanggal din daw yun ng mga namuong lamig sa katawan. Meron din dun mga aerobics classes, cycling classes tapos nakita ko may kick boxing din. O diba! para akong promoter ng California Fitness. Hehehe!
Overall, nag enjoy naman ako sa aking 1st time gym experience. Pero mas masaya sana kung kasama si Jay-ar. Pasaway kasi yun, ayaw mag gym. Maganda na daw katawan nya. Hahaha! Peace tayu ayat! Hehehe! Nde ko sure kung try ko ulit sya kasi ang sakit sakit ng katawan ko pag gising ko kaninang umaga. Pero they already gave me a warning about this yesterday. Sabi nila, sasakit daw tlaga katawan ko ngayung umaga. Although gs2 ko ulit sya i-try, gs2 ko kasama ko si Jay-ar e kaya lang ayaw naman nya mag gym... Haaay! konting pilit na lang, papayag din yan... Hehehehe!
So that's the update for now folks! Hanggang sa uulitin mga bata!
No comments:
Post a Comment