Showing posts with label places. Show all posts
Showing posts with label places. Show all posts

Sunday, April 12, 2009

Updates! Updates!

Last weekend was PC fair here in KL. So Jay-ar & I decided to go to buy a printer at para maigala na din namin ang mom nya. The PC fair was in KLCC and as usual, even though it was raining hard, ang dami dami pa ding tao shopping for gadgets.

Anyway, ang pinamimilian naming bilin ni Jay-ar na printer is either HP brand or Canon. Syempre nde naman kami masyado gagastos sa printer so ang balak lang namin bilin is yung cheapest na 3-in-1 (photo copier, scanner & printer). At first, syempre biased ako sa HP kasi I was working with HP and yung printer namin sa bahay sa Pinas is 3-in-1 na HP. But Jay-ar called his friend and asked him to check from the internet the reviews of the 2 printers which is better and he told us na mas maganda daw ang review sa Canon so we decided to buy Canon instead. Another reason kung bat mas oks din ang Canon ay mas okay ang freebies nila. Ang HP, watch lang ang ibibigay, which I doubt kung may gagamit naman nun samin. Sa Canon ang freebies ay hand towel, face towel and laptop bag, which is for me, more usable in our case. Meron pang isang freebie sa Canon na gustong gusto namin, which is yung trolley pero free lang yun kapag yung mejo mas mahal na printer (with fax) yung bibilin namin. Eh wala naman kaming phone line sa condo so sayang ang fax machine so pinilit na lang namin nag titinda na instead na yung towels and bag and freebies namin, exhange na lang namin sa trolley. Ayaw pumayag kasi bilang lang daw yun at each item daw may designated na freebies. Asar. By the way, yung trolley pala is usable kapag marami kang bibilin sa grocery at usable na din agad kasi ang laki at ang bigat ng printer so ang hirap buhatin. Kawawa naman si Jay-ar kasi sya lang pwede mag buhat nun.

Anyway, back to story... Binili na din namin yung printer kahit na ayaw ibigay samin yung freebie na gs2 namin. Pagkabayad namin, buhat ni Jay-ar ang mabigat na printer habang nakikipag siksikan kami sa maraming tao. Pagdating sa freebies claim area, ako lang ang humarap dun sa girl sa counter. Kinuha nya ang receipt ko to check kung anu ang freebies na bibigay nya sakin. Sabi ko sa kanya, kung pwede bang trolley na lang instead na bag and towels.. syempre ayaw nya din pumayag... di daw pwede. Sabi ko mahihirapan kasi akong buhatin yung printer at mabigat. Ayaw nya pa din payag. So inabot nya sakin yung freebies then aalis na kong luhaan. Hehehe! Tapos bigla nya ko tinawag ulit, wait lang daw. Apparently, nakita nya na buntis ako at inabutan nya ako agad ng trolley tapos sorry sya ng sorry sakin. Hehehe! Ang bait naman nung babae. Mataas kasi yung counter kaya nung mejo nakalayo ako, chaka nya lang nakita na buntis ako. Buti na lang dun ako sa babae na yun nakapila kasi yung ibang counter mga lalaki ang naka assign. Pag lalaki, walang pakialam sayu kahit buntis ka kasi nde nila alam ang feeling. Ibabalik ko pa sana yung bag at towels na una na nyang nabigay sakin kaya lang nde na nya kinuha at binigyan nya pa ko ng plastic bag para dun ko ilagay yung ibang freebies. Ayus diba. Ang bait.

Actually, ewan ko lang sa pinas pero dito sa Malaysia, pag buntis ka may mga benefits ka din. Yun yung lagi kang papa upuin sa train kapag tayuan. May mag o-offer ng seat sayu (usually mga babae tlaga) wala kasing pakialam mga lalaki. Mag pe-pretend pa yung mga lalaki na nde ka nakita or tutulog kunyari. Kakapal muks. Kapag sa pila sa toilet pinapauna din ako kasi buntis ako. Nakaka pasok din ako sa mga "Exit" na gates or pinto kasi malayo pag sa entrance papasok. Hehehe! Syempre kung sino kasama ng buntis, nakakapasok din. Pag papara naman ng taxi, ako pinapa-para ni Jay-ar para hihinto ang taxi kasi maaawa sa buntis. Kaya si Jay-ar nag te-take advantage sa pagiging buntis ko. Lagi nyang binabalandra ang malaki kong chan. Hehehe! E malapit na ko manganak, so mawawala na yung mga privileges ko na yun. Nung sinabi ko yun kay Jay-ar, ang sabi ba naman sakin, "dibale, malaki pa din chan mo nun pag kapanganak mo". Ungas. Hehehe!

Eto pala ang pics ng bago naming printer.



* * * * *

Last Saturday, I had a check up with my OB. Good news and bad news. Good news is that my baby is already full term and pwede na sya lumabas anytime! Bad news is that the head of my baby is still not engaged with my pelvis. Kailangan daw mag engage yun para sa normal delivery. Haaaayyysss... Excited na kaming lahat sa baby namin ni Jay-ar. Gs2 ko na din sya lumabas kasi uncomfortable na din ako matulog sa gabi at most of all, gs2 na namin sya makita.

Nag research ako sa internet at sabi dun na iba iba daw ang weeks kung kelan nag engage ang head ng baby sa pelvis. Minsan daw (mostly pag first baby), nag engage lang yun head pag mag le-labor na. Sabi ng OB ko mataas pa daw ang baby. Hay, parang ayaw lumabas ng baby ko. Lalo nya kaming pinapa excite. Lalo na si Jay-ar at tinutulak na nyang pababa ang chan ko. Hehehe! Gs2 na tlaga kong pa-anakin. So we have no choice but to wait, wait, and wait. Sinasamahan ko din ng walking every morning sa pool side ng condo namin kasama ang mom ni Jay-ar. I dunno if that will help pero walking is good naman tlaga para sa mga buntis. Oks pa din naman kasi ang due date ko naman is April 30. Although full term na si baby, meron pa syang until end of the month para lumabas.

* * * * *

As I have been mentioning above, andito na ang mom ni Jay-ar. She arrived here in Malaysia last April 1 and will be staying here to help us take care of the baby for 3 months. Marami na din kami na pag pasyalan sa kanya. We already went to Orchid Garden, Ikea, KLCC, Petronas, Bukit Bintang and malls like Midvalley Megamall, Pavilion, Suria and of course sa the mall (which is tapat lang ng condo namin). Hehehe! We are still planning to go to Bird Park, KL Tower, Petronas bridge, Acquaria, Genting, Butterfly park and more mall tours. Hehehe! Yung iba jan pupuntahan pag dumating na ang dad ni Jay-ar dito sa Malaysia sa June. Ako bantay ng baby habang pasyal ni Jay-ar parents nya. Sa 2nd week naman ng May darating ang mom ko at ang aking shobe at shoti dito sa Malaysia at kami naman ang papasyal. Si mom naman ni Jay-ar ang bantay kay baby. Hehehe!

Eto pala (so far) ang mga pics ng gala namin with Jay-ar's mom. Click here.

* * * * *

Learn to accept the things that you cannot change - this is what I am trying to do (so hard) right now. In God's help, I can do this.

* * * * *

Just another thought, babae nga tlaga siguro ang baby ko, kasi masyado ko in love kay Jay-ar nowadays. Hehehe! Para kong nag lilihi all over again. And sometimes, it really surprises me on what one can do in the name of love. Figure that out. Hehehe! Ciao!

Friday, December 7, 2007

Tiara Beach Resort

As promised [yak! feeling.. as if may nag hihintay...heehee], here are our photos taken during our Tiara Beach Resort trip. Anyway, I will not tell stories about our trip anymore. I'll just put caption on the pictures. Mejo inaantok na kasi ako kaya wala na ko sa mood mag wento. Hehe! Ang totoo nyan, wala naman tlagang wento. Kaya tignan nyo na lang ang mga pictures and they will be the one to tell the story. After all, photos speak louder than words... errr at least for this post.

This is Jay-ar bow. Hehehe! He joined one of the games called "Rafting". The mechanics of the game is simple. The team will make a raft using 3 logs, 3 ropes and 3 big floaties. Tapos the raft should carry 10 people to the other side of the pool. I think simplier described than done. Hehehe!


Okay, tapos na ang raft. Ngayun, kailangan nilang ipagsiksikan ang mga sarili nila sa ibabaw nun. Haaay! Kagulo tlaga. Hehehe! Syempre yung raft gawa ng mga amateurs so nde yun masyadong stable and balanced. So there. Hehehe!


Yaaahhhooo! They made it. Ayan kita nyo naman, nasa gitna na sila ng pool and pilit na inaabot ang kabilang dako. Hehehe! At yung isa jan, nakuha pang mag smile sa camera... Tsk! Tsk! Tsk! Huy, mag paddle ka! Hehehe!


Mabuhay! Tapos na... Other side na yan ng pool and mind you, this team was the winner in this game! Galing noh! Yan ang nagagawa ng teamwork with occasional na pag papa-cute!


Since tapos na ang game, we need to relax naman. Haaay! This is life!


Ang title ng movie na to is: Basa sa Waterfalls. Hay, ang corny ko talaga! Hehehe!


The beautiful scenery of Tiara Beach Resort.


Pauwi na kami nito. Dumaan kami sa stadium sa may Bukit Jalil. Jan daw ginagawa ang mga concerts sa Malaysia. Malaki tlaga yung stadium. Nde lang masyadong kita sa pic pero malaki yung place. Nde nga lang kami nakapasok kasi bawal. Hehehe!


At iba pa na pics.



Eto pa yung isang game na sinalihan ni Jay-ar. Relay yan sa pool habang may hawak na tray tapos nakapatong yung plastic cup na may water [ala waiter ang dating] at meron pang bola na nakaipit sa gitna ng legs ni Jay-ar nyan. Yung totoong bola... hehehe! *wink* *wink*

Anyway, for more pictures... as always, just click HERE.

Yawn! Antok na tlaga ko. Until next post. Magandang umaga world! Tulog muna ko. Bye for now...
---Mitsikoy signing off... ZZZzzzz...

Thursday, November 8, 2007

Eye on Malaysia & California Fitness

[what a subject combination! hehehe!]

Last Wednesday night, we planned to go to Eye on Malaysia kasi kinabukasan nun [Nov. 8] walang pasok dahil Deepavali also known as Diwali [Light Festival], which is a major event for Hindus. Nag abang kami ng taxi sa PWTC to go to Titiwangsa [where the Eye on Malaysia is located]. One station away lang naman sya from PWTC station [LRT station tapat ng condo namin] to Titiwangsa Station kaya lang mejo malayu daw kung lalakarin from Titiwangsa station kaya mag taxi na lang sana kami. Grabe, since Diwali eve nun, ang daming tao at parang lahat sila nag aabang ng taxi. Hehehe! So nag intay kami for 15 minutes then nung wala pa ding taxi sabi ko kay Jay-ar mag LRT na lang kami papuntang Titiwangsa tapos dun na lang kami mag abang ng taxi papuntang EOM. So ganun na nga ginawa namin. Kaya lang when we reached Titiwangsa parang worse pa ang case dun. Ang daming tao na nag aabang ng taxi! Ang dami naming kakumpetensya. Hehehe! So nag try lang muna kami for another 15 minutes mag abang ng taxi then chaka namin natanggap na it was time to give up. Haha! Sayang!!! Excited pa man din ako mag post ng pictures dito sa blog. Pero try ulit namin punta dun this weekend. Since wala na event this weekend, we are expecting na konti na tao at makakapunta na kami this time. So for now, since wala pa kong pics dun, this will do for the meantime. Next picture, kasama na ko nung ferries wheel. Hehehe! So kahapon naman walang pasok, sumama ko sa mga friendly friends ni Jay-ar may gym sa California Fitness sa may Midvalley. Guest lang muna ko kasi gusto ko lang i-try. Okay naman sya. Ang laki nung gym. Tapos kumpleto. May swimming pool pa nga kahit na nasa loob sya ng mall... Una, sabi ni Jessie [friend ni Jay-ar], mag cardio daw muna kami. So nag treadmill muna kami. Ang pinaka mabilis ko na speed is 6.0 pero minsan binababa ko sa 5.0 kasi napapagod na ko... And in 30 minutes non-stop [with occasional walking pag napapagod na ko], nakatakbo ako ng 2.5 KM!!! Syempre, first time ko kaya proud ako sa natakbo ko kahit alam ko compared sa iba.. chicken lang yan! hehehe! Si Jessie nga, 9 point something ang speed eh! At nde sya nag lalakad! Talagang tinakbo nya yun tuloy tuloy na 30 minutes!!! Galing! Tagal na sya kasi nag gym so tingin ko sanay na sanay na sya dun. Natuwa naman ako kasi pinawisan ako. Una pa lang try pinawisan na ko.

Anyway, ang next ko naman na-try is yung pang abs! Syempre yun talaga pinunta ko dun. Pampaliit ng tyan... Ang pinaka mahirap daw paliitin ay tyan. Haaaay!!! Una ang try ko is yung sit-ups na tlagang nakahiga ka from the start. Nde man lang naka slant ng konti para mas madali tumayo. Ay nde kinaya ng powers ko! Sabi pa dapat daw tuloy tuloy yun e nde ko nga mabuhat yung sarili ko. Hehehe! Instead na tyan ko ang nag cocontract, yung leeg ko sumasakit e. Hehehe! So obviously, I was doing it the wrong way. So try ko na lang ung ibang pang abs na mas madali like yung pampaliit ng upper abdomen, yung pampatanggal ng bilbil sa gilid, etc. Sorry nde ko alam tawag e. Pero 1st time ko lang nakita yung mga equipments na yun. Sabi pwede naman daw ako mag hire ng personal trainer kasi pag guest ka, bibigyan ka nila ng trainer for free kaya lang sabi nung friends ni Jay-ar mas mahihirapan daw ako pag may trainer kasi naman demanding daw yung mga yun. Talagang sasabihin nila kung ilan ang dapat mo gawin at iintayin ka nila matapos. Nakakahiya daw pag nde mo natapos. Ang maganda lang sa may personal trainer, masasabi nila sayu kung may mali ka ginagawa or nde mo ginagamit ng maayus yung equipment. After nun, nag shower na kami. Mga naka 1.5 hours din kami dun sa gym. Ang gs2 ko dun sa shower area is yung steam room. Super init tapos nde mo makita yung mga kasama mo sa room kasi super kapal ng usok. Pero very relaxing chaka tingin ko dun pa lang ang dami ng fats na ma-burn sayu kasi kahit naka upo ka lang, papawisan ka ng walang kapagod pagod. Nakakatanggal din daw yun ng mga namuong lamig sa katawan. Meron din dun mga aerobics classes, cycling classes tapos nakita ko may kick boxing din. O diba! para akong promoter ng California Fitness. Hehehe!

Overall, nag enjoy naman ako sa aking 1st time gym experience. Pero mas masaya sana kung kasama si Jay-ar. Pasaway kasi yun, ayaw mag gym. Maganda na daw katawan nya. Hahaha! Peace tayu ayat! Hehehe! Nde ko sure kung try ko ulit sya kasi ang sakit sakit ng katawan ko pag gising ko kaninang umaga. Pero they already gave me a warning about this yesterday. Sabi nila, sasakit daw tlaga katawan ko ngayung umaga. Although gs2 ko ulit sya i-try, gs2 ko kasama ko si Jay-ar e kaya lang ayaw naman nya mag gym... Haaay! konting pilit na lang, papayag din yan... Hehehehe!

So that's the update for now folks! Hanggang sa uulitin mga bata!

Wednesday, October 17, 2007

Just Around Bukit Bintang

I mentioned in one of my previous posts that my friend Eileen also known as SJ will be visiting Malaysia last week. Here are some of our photos. Sadly though nde natuloy ang plan namin na mag Genting at mag Aquaria kasi they have a packaged tour so wala kami time mag meet kundi sa gabi lang. So siguro next time na lang... But even though nde kami sa Genting nag punta, I still enjoyed her company.
From left to right: my friend eileen, her friend krishna and yours truly. Jay-ar was also with us kaya lang wala sya sa picture kasi sya ang aming dakilang photographer. We ate at my and Jay-ar's favorite hawker store. Yummy!

Then after eating, nag libot libot na lang then shopping around Bukit Bintang. Our last stop was Baskin&Robins in a newly opened mall, Pavillion.
The next day, Jay-ar and I tried a new resto in Times Square. We ate at Gasoline. Kakaiba syang kainan. Ang concept nya is parang Bed Space pero eto nde sya bed. Naka upo lang sa sahig parang Japanese style. The food was also good and hindi sya masyadong mahal. Medyo lang. Hehehe! See photos below.

For a better view on the pictures, visit my multiply site by clicking HERE.

Saturday, March 17, 2007

Malaysia Pixies

Our pics from one of my Malaysia Trips last year, with my yatzy and his friends.