Wednesday, April 14, 2010

Ang Jologs. Bow.

Siguro dati akong MMDA. Bakit?Kasi lagi na lang akong may nakaka away na taxi driver. Hindi lang basta sagutan ha. One time, bumaba pa kami ng taxi at sa daan kami nag sisigawan. Hahaha! Jologs diba?!

Ayaw ko kasi ng nilalamangan ako. Aba, ayaw ba naman patayin yung metro nya habang nag papa-gas sya. Ang haba pa man din ng pila sa gasoline station. Ayun, nag away kami.

Kahapon lang may naka away na naman akong taxi driver. Ayaw ba naman ako ihatid sa tapat ng condo namin at bawal daw lumiko dun. E g*go pala sya e. Araw araw ako nag ta-taxi papunta sa office at pauwi sa condo, sya lang ang nag iisang ayaw lumiko sa kanto na yun. Nung pinapaliwanag ko sa kanya na pwede lumiko dun kasi lagi naman naliko dun yung ibang taxi drivers na nasakyan ko na, ang sabi ba naman sakin stupid daw yung mga taxi drivers na yun. Gustong gusto ko ngang sabihin na sya ang stupid kaso nakasakay pa ko sa taxi nya at baka kung anu gawin sakin nun. Haha!

Sabi ko sa kanya, tignan mo, mag abang ka jan at may liliko jan. Sabi ba naman sakin "nyanyanyanya". Aba ang g*go talaga. Gustong gusto ko talagang sapakin. Napaka walang modo! Ginawa ko pagka bigay ko ng bayad ko bumaba ako ng taxi at di ko sinara ang pinto. Dun sa munting paraan na lang na yun ako nakaganti. Bwisit talaga.

Sabi ni Jay-ar, wag daw ako bababa sa lebel ng mga taxi drivers. Pero kung meron naman isang tao na talagang nakikipag pababaan ng lebel sa mga taxi drivers at sya yun. Hehe! Marami ding mga away moments si Jay-ar sa mga taxi drivers na mga pasaway. Mas malala pa nga yung sa kanya kesa jan.

Ang mga taxi drivers kasi dito sa Malaysia, para ding mga taxi drivers sa pinas. Magugulang! Pero hindi ko naman nilalahat. May mga matitino din. Kasi ako, lagi ako sumasakay sa taxi kaya samut-sari na ng mga taxi drivers ang nakakasalamuha ko.

Yan lang naman ang kwento ng isang babaeng jologs! LOL! :)


- from my iPhone

No comments:

Post a Comment