Sobrang bilis ng bakasyon namin. Natapos ng hindi ko namamalayan. Hindi bale, mabilis lang naman ang 2 months. Sana hindi ko din mamalayan na October na pala at uwi na ulit sa pinas. Hehehe!
Kaya ngayun eto, back to work na ulit. As expected, na enjoy ko naman ang bakayson namin ni Jay-ar. Sobrang bitin nga lang. Palagi naman ganyan pag OFW at uuwi ng pinas. Sobrang nabibitin sa bakasyon.
So anu na nga ba ang aming pinag kaabalahan sa pinas.
Unang una, umuwi tlaga kami para mag pa executive check-up. At sobrang nawindang ako sa mahal ng check-up at gamot. Ang tagal tagal ko na kasing nde umiinom ng gamot. Since mataas ang cholesterol level ni Jay-ar at may UTI naman ako, kailangan na uminom ng gamot. Hehehe!
Sobrang na enjoy ko din ang birthday celebration ng aking cute na cute na pamangkin. Sa susunod ko na upload ang pics pag nagka time ako. Nag silbing reunion ng mga Recaldes ang birthday na yun kaya walang pumapansin sa host kundi mga kids lang. Ang mga adults busy sa chikahan and catching up with each other's lives. Hehehe!
Nakapag meet ako ang isang group ng college friends ko at nag check-in kami sa hotel para magkulitan, mag wentuhan ang mag kantahan gamit ang bago kong biniling magic mic. Hehehe! Nag punta din kami sa isang comedy bar at swerte naman kami kasi andun si Inday Garutay, Booba at si Chocolate kaya sobrang nakakatawa at enjoy tlaga.
Nag stay ako ng mga 3 days sa Calamba para makipag bonding sa mga relatives ni Jay-ar. Hehehe! Walang araw na nag stay lang ako sa bahay kaya sa sobrang dami ng gs2ng gawin at sa sobrang konti ng time, nde ko na nagawang makapag pa facial at makapag manicure and pedicure. Pero nakapag pa spa naman kami ni Jay-ar sa Calamba.
Tapos malling. Pero ang napuntahan ko lang na mall ay MOA at glorietta. Napadaan nga lang ako ng glorietta kasi dun ang meeting place namin ng mga college friends ko. Hehehe!
Haaay, super bitin tlaga. Kasi siguro dahil sa executive check-up kaya ganun. 3 beses din kami nag pabalik balik sa St. Luke's para dun. Nde ko na nga na meet ang VILLMA at JoBarCo kasi sobrang kinapos na tlaga sa oras. Pero sa October, I will make it a point na ma meet ko sila. Haaay, ang sarap sa Pinas. To follow na lang ang pictures. Sa uulitin! Babush!
No comments:
Post a Comment