Tapos bago kami umuwi, kumain muna kami ng Satay sa Kajang [Satay is parang chicken BBQ na sinasawsaw sa gravy tapos served with rice cube. Something like that. Hehehe!]. Sa Kajang kasi sya nakatira, malapit dun sa hotel na pinag installan namin. Sabi nya kilala daw ang Kajang sa Satay nila kaya kailangan ma-try ko. Oks lang libre nya naman e... Hehehe! Tapos nun hinatid nya na ko sa LRT tapos uwi na ko. 4:30 nasa bahay na ko! Weeeeh!!!
Pagka uwi sa bahay, nag luto lang ako ng pininyahang manok [pineapple chicken] pangbaon tapos nag meet kami ni Jay-ar sa Midvalley Megamall [may megamall din dito] to eat dinner [nag-take out ako ng mga maki sa Sushi King] pero sa C-Jade Express kami kumain ng dinner. After dinner, nag pa foot spa ako sa Dr. Soho Foot Treatment. Grabe, kakaibang foot spa to. Talagang tatanggalin kalyo mo sa paa kahit na ganu kalaki at kalala pa yang kalyo mo. Hehehe! Ang mahal nga - RM35 [Ps455]. Pero astig kasi lahat ng kalyo sa paa tanggal. Hehehe! Wala akong pictures e... Pero may nakita akong blog entry [with pictures] regarding dun DITO. Meron akong maliit na kalyo pa paa na ngayun wala na. Hehehe! Feeling ko nga lugi ako kasi ang liit lang ng kalyo ko tapos RM35 din ang binayad ko. Yung iba nga ang lala na ng case e... RM35 din sila... Oh well.. Hehehe!
Ibang Kwento Naman.
May utang pa pala kong pictures ang post regarding sa aming Tiara Beach Resort escapades. Will post pics kapag nagka time ako. Hehehe! Ngayun, wala kasi TL ko [naka-leave or half day yata] kaya nakaka nakaw ako ng time to post. Hehehe!
Eto pa Kwento.
Approve na pala ang leave ko para sa kasal namin. Jan 19-Feb 10 ako sa pinas pero Jan 16 naka leave na ko kasi pupunta dito sila mama ng Jan 11 tapos sabay sabay na kami babalik ng pinas ng Jan 19. Weeeh! Excited na tlaga ako. Pero nde pa ko nakakapag paalam sa Christmas leave ko. Balak ko magpaalam this week. 4 days leave lang naman yun. So tingin ko naman papayagan ako. Sa pinas kami ni Jay-ar ng Dec 19-26. Sa konting panahon na yan, kailangan namin ayusin ang mga sumusunod:
- Kumpil ko [yeah, nde pa ko nakukumpilan at required yun sa church wedding]
- Papasukat ako ng gown ko [nde pa ko nasusukatan]
- First meeting with coordinator
- Visit reception venue [nde pa kasi nakikita ni jay-ar]
- Book kami ng hotel [para pa din sa wedding]
- Food tasting [nde pa nakakapag food tasting si Jay-ar]
- Pre-nup pictorial namin
- Attend wedding seminar
- Finalize design & printing for invitation
- Meet with souvinir supplier
- Meet with the wedding band [nde ko pa sila nameet in person]
- Papalinis ng ipin [mas mura palinis ng ipin sa pinas. hehehe]
- Kumain sa Amber [miss ko na!] at sa iba pang kainan sa pinas! [waaah! kasal ko! dapat nde ako mataba! ]
- Ayusin ang aming finances
- Meet with and bond with family and friends
So anu pa ba? Hmmm... Yun lang muna ulit for now. Basta post ko na lang yung pics namin from Tiara Beach soon okai?!
Oki lah... Bye bye for now! Mwah!
Ps. PASKO NA!!! Weeehhh... Lamig daw sa Pinas. Excited na ko!!! I LOVE CHRISTMAS!
No comments:
Post a Comment