Sunday, March 2, 2008

Weekend Getaway @ SG

Hey everyone, I'm back here in KL. Isang araw lang kami nag stay ni Jay-ar sa SG. Hehehe! Anyway, here's the recap of our weekend getaway in SG.

As I mentioned in my previous post, the bus going to SG left KL around 11:30 pm. So that means ang tatak sa passport ko na exit from MY is March 1 na instead of Feb 29. At first, nag worry ako kasi dapat ang exit ko tlaga sa MY is Feb. 29 since hanggang dun na lang valid ang employment pass ko. Pero when I was in the KL immigration, nde naman nagkaron ng problem. Tinatakan lang ng immigration officer ng March 1 yung passport ko pero wala naman sya sinabi and no questions asked. So I was really relieved. Usually, the trip from KL to SG and vice-versa is about 5 hours. Kasama na ang mga stopovers. Pero depende pa din sa lagay ng traffic. 5 hours kapag walang traffic jam.

So we arrived @ SG around 4:30 tapos nakarating kami dun sa service apartment ng agent ko mga 5 am. We just ate a little & slept for a while then around 11:00 am, we went to our fave resto ni Jay-ar sa SG. None other than, No Sign Board! Hehe. We ate our fave Chilli Crab! The best tlaga. Un lang order namin kasi super laki ng serving nun. Good for 5-6 people ang serving. Yun na ang pinaka maliit nila na crab. And only for that order, we paid S$50. O diba, nde sya cheap. Pero pramis, ang sarap nya tlaga. Sulit na sulit. Since ang dami nung serving nya, nag start kami ni Jay-ar kumain ng 12 pm at natapos kami ng 3 pm na. Hahaha! Busog tlaga!

After nun, we went to Queensway Shopping Center. I bought a new flip flop slippers. Look at my new cutie Ipanema slippers.

After Queensway, we went to China Town. Hindi pa kasi namin nakikita ang China Town ng Singapore kaya yun ang next stop namin. Natuwa ako sa China Town ng SG kasi ang linis linis. Hehehe! Ang China Town kasi ng Malaysia parang Divisoria/Tutuban sa Pinas na lumamang lang ng konti. Hehe! Dito sa SG, para syang mini tiangge tapos ang linis & ang ganda ng place. Pero mas maliit sya kesa sa China Town ng Malaysia. Chaka mas maraming mabibili sa MY lalo na pag gabi. Kasi dun nag start mag bukas yung karamihan ng stores sa China Town ng MY. Nde ko nga alam kung bat mas buhay yung lugar na yun pag gabi e.

Si Jay-ar, umiral na naman ang pagiging isip bata. Hehe! Nakakita ng dirty ice cream tapos bilan ko daw sya. Ang hindi ko alam, bukod sa ice cream, may free show pa pala si mamang dirty ice cream vendor. I was surprised kasi papahawakan nya sakin yung ice cream tapos bigla nyang kukunin tapos papahawakan nya ulit tapos kukunin nya ulit. As in yung pag kuha nya pa sa ice cream yung tipo parang mala-laglag. Na-video nga ni Jay-ar yung napasigaw ako kasi akala ko tlaga malalaglag yung ice cream, e ang mahal nya pa naman para sa dirty ice cream [S$3 = Ps84]. O diba?! Yan ang pinaka mahal na dirty ice cream na natikman ko. Hehehe! Pero in fairness, masarap naman. Hehehe! Sabi ni Jay-ar, meron din daw ganun sa KL. Yung dirty ice cream din plus a little bit of show bago ibigay sayu yung ice cream pero nde ko pa na-try yun dito sa KL. First experience ko sya sa SG kaya nung una, nag tataka tlaga ko kung anu ginagawa nung ice cream vendor. Hehe!



After China Town, we went to Admiralty to meet some friends of Jay-ar. We went back to the apartment around 12 mn na. We almost forgot about the time when we were in Admiralty kaya muntik na kami masaran ng LRT. Buti na lang umabot kami. Kundi mamumulubi kami ni Jay-ar. Ang mahal mahal pa man din ng taxi sa SG. Well, mahal naman lahat sa SG.

The next day @ 10 am, we went to Lavender where the bus was waiting for us, ready to depart to KL. Okay lang sana ang trip namin pabalik sa KL kaya lang may mamang anaps na umupo sa likod namin na SOBRA as in sobrang baho tlaga. Buti na lang nde puno yung bus so nakalipat kami ng upuan ni Jay-ar. Mejo amoy pa din sya dun sa nilipatan namin pero at least nde kami malapit sa kanya. Kundi baka dumikit samin ang amoy nya. Hehehe! Grabe tlaga! Nakarating kami dito sa condo around 5 pm na. Mas mahaba ang byahe namin pabalik ng 2 hours kasi ang daming stopovers ng bus chaka mejo mabagal magpatakbo ng bus yung driver.
Overall, we had fun on this trip. Nakakapagod nga lang but Jay-ar & I enjoyed it.

That's all for now. For more pics, you know the drill... Goodnight!

No comments:

Post a Comment