Thursday, September 23, 2010

Aggressive Marketing

Isang bagong vacuum cleaner salesman ang kumatok sa pinto ng unang bahay sa isang barangay. Isang babae ang nagbukas ng pinto. At bago pa nakapagsalita ang babae ay dali-daling pumasok papunta sa sala ang salesman, binuksan ang malaking plastic bag at ibinuhos lahat ng lamang tae ng kalabaw sa carpet.

"Miss, kapag hindi nalinis ng vacuum cleaner ko ang mga tae sa carpet niyo, kakainin ko isa-isa iyan!", pagyayabang ng salesman.

"Gusto mo ng ketsup para diyan?" tanong ng babae.

Tanong ng salesman, "Bakit ho?"

"Eh, kalilipat lang namin. Wala pa kaming kuryente."

No comments:

Post a Comment