2 hours lang ako nag labor... No sweat diba? hehehe! Sa totoo lang 'masarap' manganak! Ang mahirap ay mag labor... Pero compared sa ibang mga nanganak na, mas smooth at mas mabilis ang labor at panganganak ko... Nung nag bubuntis din ako, no sweat din.. Walang morning sickness, walang weird cravings... as in parang wala lang, lumalaki lang chan ko... hehehe! Pero nung nanganak na ko, sobrang nag adjust ako sa pag aalaga ng bata. Maraming times na gs2 ko na mag give up at ibalik ang anak ko chan ko... I admit na may mga times din na gusto ko na sya itapon... hehehe! Ang hirap pala mag alaga ng bata. Lalo na nung mga first few weeks ni Kylie, nde sya hiyang sa gatas nya kaya lagi sya nag loloko... iyak ng iyak at di makatulog. Gusto lagi karga at may times na kahit karga na at busog, iyak pa din ng iyak. Nde namin agad nalaman na dahil sa gatas kaya kung anu anu pa binili namin sa kanya... Bukod sa baby bouncer nya, binilan din namin sya ng duyan na pareho nyang ayaw tulugan. Dahil gs2 nya lagi karga sya, bumili din kami ng baby sling carrier. Then nung na realize namin na dahil sa gatas pala at pinalitan namin gatas nya, nag sisimula na syang bumait although ayaw nya pa din sa baby bouncer at duyan. Pero at least ngayun pwede na ko umupo kapag buhat ko sya. Dati kasi kapag nangangawit na ko kakatayo kapag buhat ko sya, uupo ako at iiyak sya with matching padyak padyak pa... O diba, bratinela in the making tlaga. Hehehe! Pero as I have said, unti unti nang nagiging okay na sya...
Most of the time pag may toyo si Kylie, tino-toyo din ako at ang kawawa ay si Jay-ar kasi sa kanya ko nabubuhos ang mga toyo ko. Hehehe! Anjan yung mga dialogue ko na "first and last baby na natin to!" sa sobrang hirap ko sa pag aalaga. May mga times na naiisip ko unfair. Kasi si Jay-ar, nagagawa nya pa din yung mga bagay na nagagawa nya dati nung wala pa kami anak... Para sakin, wala masyadong nag bago sa buhay nya. Samantalang ako, hindi ko na magawa yung mga bagay na dati kong nagagawa kasi 24/7 na ko kay Kylie. May times din na nag wish ako na sana 2 tao na lang ako para nagagawa ko yung gs2 ko gawin at the same time, ako pa din nag aalaga kay Kylie. So can relate na tuloy ako dun sa dialogue ni Vilma Santos sa movie na "Anak". Hehehe! Siguro kasi sa pag kakaron ng anak, dapat hindi ka lang physically prepared pero emotionally prepared ka din. Pero ngayun, I wouldn't trade taking care of my baby for anything else. Mas gs2 ko nga ako nag aalaga kay Kylie kasi nagagawa ko kung panu yung alaga na gs2 ko para sa kanya. Hindi ko na sya gs2 ibalik sa chan ko... In fact, I don't want to live without her. Nasa sistema ko na sya. Lalo na ngayun, masarap na sya alagaan kasi marunong na sya makipag kwentuhan. Hehehe! Lumalaki syang lalong cute! Sabi ko nga sa post ko sa baba, mahirap na masarap maging nanay. Pero yung hirap, nabubura na at nagiging sarap na kapag nginitian ka na ng baby mo :)
Marami na din ako na acquired na skills. Bukod sa mga basic skills ng pag aalaga ng bata na automatic kong nakuha nung nanganak ako, may ibang skills pa akong natutunan. Dati nung wala pa kong anak, ayaw ko bumuhat ng new born baby kasi feeling ko mababalian ko yung baby... Nung nanganak ako, parang alam ko na agad kung panu ko bubuhatin si Kylie. Galing no! Ipinanganganak ng nanay yung mga ganung skills kasama nung baby nya. Hehehe! Eto ang mga iba pang skills na natutunan ko.
1. Nasanay na ko manood ng TV ng walang sounds
2. Gumagaling na ko sa pag compose ng kung anu anung lullaby songs
3. Lumalakas na ang braso ko sa pagbuhat kasi ayaw nag papalapag ng aking kylie
4. Natuto na kong matulog ng every 30 mins. Swerte na kapag naka 2 hours at jackpot na pag naka 5 hours na tulog.
5. Natuto na din ako makipag kwentuhan kay JR ng pabulong. hehehe!
6. Natutunan ko na din na mag iba iba ng modulation ng boses
7. Syempre anjan na din yung expertise sa pagpapatahan ng iyak
8. Buti na lang nde tlaga ako malikot matulog kasi mabilis ko natutunan ang matulog ng nde gumagalaw.
9. Natutunan ko na din gamitin ang mga paa ko pag abot ng mga gamit tulad ng kumot, remote, unan, etc. etc. kapag ang dalawang kamay ko ay buhat si kylie
10.Malapit ko na ma-master ang matulog ng nakaupo o nakatayo! hehehe
Ayan lang naman ang nobela sa aking experience "so far" sa pagiging amateur mommy. Sa lahat ng mga hirap ko na naikwento ko sa pag aalaga ng baby, nde ako nag sisisi sa pagkakaron ng baby kasi na outweigh ng sarap ang hirap ng pag aalaga ng baby. Lalo na kapag ganito ka cute ang baby mo :)
No comments:
Post a Comment