Monday, December 8, 2008

The Return of the Comeback

Hello blog! Did you miss me? I know, I know I have been gone for a while but I am back! Alive and kicking and ready to update you of my happenings.

The reason why I have not updated you blog for a while is due to plain laziness. Yes, I was so lazy to write. Marami naman tlagang dapat i-kwento. Actually yung iba nga nakalimutan ko na. Marami na kong movies na napanood, meals na naluto, parties na na attenan kaya lang tinatamad lang tlaga ako mag update ng blog.

So I will just give you the highlights.

The Work.

Oh yeah. A lot of interesting stories about my work. For one, I have resigned from HP already. Bet you didn't know that. Oh well, if you are close to me probably you have heard that news already. Hindi kasi ako sinuswerte sa mga work ko dito sa Malaysia. My first work here I have lasted for 9 months. Sabi ko, nde challenging. I need challenge. Wish came true. Faith gave me HP. Sobrang challenging naman. Lahat ng pasensya ko sa katawan napiga. Lasted for 10 months! Hahaha! Naisip ko nga minsan sana pinaglihi na lang ako sa pasencia biscuits. Kasi naman, aminado tlaga ko patience is a virtue I do not have. Haaay! Bad for the health tlaga. Wish ko nga sana baby ko mag mana kay Jay-ar na puno ng pasensya. Wala tlagang aasahan sakin pagdating jan. Bad. Bad. Bad.

Nwei, balik sa story. I have filed my resignation last October 13 so technically speaking for a one-month notice, my last day was supposed to be November 13. But my agent requested me to extend it until end of November. Ayaw ko sana kaya lang I was not in the position to say no. For one, I did not even finish the one-year contract so dapat nga mag babayad pa ko for the contract breach pero buti na lang mabait agent ko nde na nya ko pinag bayad. Dinahilan ko kasi ang pregnancy ko. Hehehe! So ayun, sabi ko oks lang mag extend until end of November. After a week, my agent called me and told me HP wanted me to extend until December 19. Aba, aba... Sobra na yan. So I told my agent I can only extend until December 12 provided that I will be working from home starting Dec 1. Okay naman daw sa HP ang ganung setup so since last week, work from home na ko. And I am starting to realize, I cannot be like this for a long time. Nakakasira tlaga ng ulo. Pero ang good side naman dito, I am more relaxed kesa pag nasa office ako na maya maya umiikot ang pwet ko sa sobrang pressure and late pa nakaka uwi minsan. So ngayun higa higa lang, watch watch lang ng TV. Tatawagan lang ako pag may gs2 tanungin sakin sa office. Haaay! This is life. Hehehe!

Pero mind you, nde ko naman tlaga gs2 mag resign. Sino ba naman ang gs2 mawalan ng work lalo na sa ganitong may economic crisis. Sa Singapore, ang dami ng pinoy nawawalan ng work. Talagang effected sila. Dito sa Malaysia, nde naman "daw" sila affected. Pero may kakilala akong nawalan ng work. Sabi dahil daw sa performance nya. Pero hinala namin, baka effect din ng economic crisis. It was a bad news tlaga. Kailangang kailangan nya pa man din ng work kasi sya ang breadwinner sa family nila. Nde lang yun, dun sa same company na natanggal sya, marami ding pinoy na kinakabahan na baka sila na susunod. Then it struck me. Eto ako, tinatapon ko lang yung trabaho na meron ako while others are striving to keep their job. I really felt sad. Parang mali ang desisyon ko. I also had worries. Panu kung pagkapanganak ko mahirapan na ko kumuha ulit ng work?, ganu ko katagal mababakante?, baka mabulok na ang mga alam ko? Syempre, ngayun ko pa man din mas kailangan ng sweldo kasi mag kakababy na ko. I know anjan naman si Jay-ar pero mas oks pa din kung may katulong sya diba. Naisip ko, dapat mahalin ang trabaho. Wala namang perfect job. I know my job can be stressful sometimes pero anung trabaho ba ang hindi stressful? Lalo na nasa I.T. field ako. Bihira ang nde stressful job sa I.T. kaya nga mas malaki ng konti lang naman ang sweldo pag nasa I.T. Buti na lang mabait si God. He gave me a second chance.

Totoo nga yung saying na "you don't know what you've got till its gone". Totoo in my case, and it seems na totoo din para sa mga ka-team ko. Last week, my team had a farewell dinner for me. As requested by me, we ate at Secret Recipe. First time namin kumain sa western resto since I joined the team. Since karamihan kasi sa team e anaps, lagi kaming sa anaps store kumakain. No offense sa mga anaps food lovers pero nde ko tlaga gusto ang food nila. Uber dami ng spices. Minsan tingin ko nde na bagay yung spices, pinag sasama pa nila. Hehehe! Nwei, after dinner, pinipilit ba naman ako mag bigay ng speech. Hello lang! Ang masasabi ko lang ay "thank you". Ano pa ba dapat sabihin? So I just kept quiet. My team was really actually waiting for my speech. Nakatingin sila sakin. Hahaha! Nakakatawa tlaga tapos ako wala naman tlaga balak mag bigay ng speech. So sabi ng PM ko, "ayaw mo magbigay ng speech, ako mag bibigay ng speech". Tapos lahat na ng mga flowery words lumabas sa bibig nya. Kesyo gustong gusto daw sya yung work ethics ko. Sobrang na meet ko daw expectations nya. Pinag support daw nila ako mag isa ng buong system at nakaya ko daw (wala naman ako choice that time kundi kayanin mag isa tlaga). Kinwento nya pa yung day na nag apply ako. Nagustuhan nya daw tlaga ako sa interview kasi I was so positive and assertive. Miski daw dun sa exam mataas daw nakuha ko, etc. etc. Ito naman TL ko, todo back up sa PM. Sabi nya "really, you did an excellent job out there". Wala naman ako blush on that time, pero tingin ko tlaga lahat ng dugo ko umakyat sa ulo ko. Sobrang nakaka overwhelmed tlaga. Sinabi pa nila yun sa harap ng buong team. Parang feeling ko, pag yung sa patay tapos dun lahat sasabihin sayu lahat ng magagandang bagay. Hehehe! Nag offer pa PM ko na bibigyan nya daw ako ng testimonial letter para pag nag apply ako sa ibang company.

Natutuwa tlaga ako sa nangyari pero I find it hard to believe everything that they said. Una, personally I do not really think that I did very well. Siguro akala nila, I pulled it all off with flying colors. Ang nde nila alam, may times na gabi gabi umiiyak ako kay Jay-ar dahil sa work na yan. Mukang I was a good pretender. Honestly, mas gs2 ko pa yung way of work ko when I was in Sunlife. Kasi dun gusto ko yung mga users. Dito kasi inis ako sa mga users. Super demanding. Ang tingin sayu slave kasi nga binabayaran ka nila. Yun ang mahirap pag vendor ka. Haaayzzz... Actually yung praises ng PM ko, nde na masyado tumalab sakin kasi kilala ko sya as ganun. Yung bang konting ang liit liit na bagay mag eemail na sakin ng "good work. keep it up". Hehehe! Pero yung TL ko tlaga nung sinabihan nya ko ng I did an excellent job. Iba e. Sagad to the bones. Sobrang technically good ng TL ko. At sya ang pinaka mataray na lalaki na nakilala ko. Workaholic. Bihira magsalita. Pag nagkamali ka tlagang pagagalitan ka at ipamumuka sayu na mali ka. Sobrang taray tlaga. Kaya tlaga it meant so much to me nung narinig ko sa kanya yun. Nung nde pa ko nag reresign, I never realized that they appreciate my work. Ngayun lang kung kelan resigned na ko. Would I have changed my decision to resign if I knew all these back then? Di ko lang sure. Pero kahit too late na, I was happy I came to know all these. Although minsan iniisip ko na baka pinag loloko lang nila ako, I can't help but to feel happy pa din. Hehehe!

Last week, my PM requested me to attend a meeting with the client. Yung pumalit kasi sakin bago pa sa project so baka nde pa sya masyado makapag participate sa meeting. Nung una ayaw ko nga. E kasi work from home na ko. Chaka iba kasi ang meeting with the client. Marami ng times na umattend ako ng meeting with the client na kasama ang ibat ibang team. Sa team ng iba, marami sila. Tapos ako lang HP representative. Nde nyo lang alam kung ganu nakaka pressure yun. Talagang dapat expert ka sa sistema na sinu-support mo. At tinatanong ka nila ng solution sa problema not only with regard to the system you are supporting kundi pati sa interfaces. Kailangan you always look at the big picture. If you provide solution, dapat alam mo din kung panu maapektuhan nung solution na yun yung mga interfacing systems. Kaya tuwing may meeting, breath in at breath out muna ko. May time pa nga na pinag explain ako sa board kaharap ang mga boss ng clients. Para bang sinasabi nila sakin, sige nga patunayan mo alam mo tlaga yang sistema na yan. Asus! mamatay matay talaga ako nun.

So sa meeting, akala ko ako lang ang attend at yung kapalit ko para ma try na nya kung anu nangyayari sa meeting. Little did I know na aattend pala sa meeting yung PM ko at yung boss ng PM ko. Oh well, kahit naman andun sila, ako lang din mag sasalita ng mag sasalita dun. Para tuloy may judge lang ako dun na tinitignan kung panu ko sumagot sa meeting. Lagi pa man din nasa hot seat yung system namin kasi sya pinaka malaking project sa buong telco industry sa Malaysia. Pero oks naman yung meeting. Mejo tamed nung mga panahon na yun yung client namin. Di sila masyado nag tatanong ng kung anu anu na pipiga tlaga sa utak mo. Mahilig sila mag tanong ng "pwede ba to? anu ang effort? anu ang technical impact? anu ang buss impact? may ma sa-suggest ka ba na better way? drawing mo nga sa board how does this work so we can understand fully, etc. etc."

After the meeting, the boss of my boss (boss ng PM ko) talked to me privately. Sabi nya, gusto daw nila ako kunin ulit after I gave birth kasi daw gusto daw nila ang trabaho ko. Ganun pa din, tulad ng sinabi ng PM ko. Pero ito tingin ko, sinabi lang naman sa kanya ng PM ko yun. Kasi nde ko naman tlaga nakaka trabaho sya. Naka base pa ko sa client's site so nde naman nya talaga alam kung panu ko mag work. Chaka big boss na sya e. So ang basis nya na lang is yung mga kwento ng PM ko. Sabi ng boss ng boss ko, ang gagawin daw nila, parang naka-terminal or sabatical leave lang ako. Tapos after I gave birth, back to work na ulit ako. Napaisip ako, wala naman mawawala sakin kung mag okay ako sa setup na yun. It will save me the cost of applying for a dependent visa here in Malaysia and will save me from the hassle of applying for another job. Tapos kung nde ko tlaga gs2, pwede naman ulit ako mag apply sa iba. At least, nde ako mababakante. Haaay, talk about blessing. So I agreed. And the plan is by June, back to work na ulit ako. That's like half year na pahinga. Hmmm.. may alam pa kaya ako pag balik ko ng work? Hehehe! Bahala na si Batman. So happy naman ako. Makakapag pahinga ako tapos after that, may work pa ulit ako. Sabi pa ng boss ng boss ko, I will be involved more on development when I come back. Ngayun kasi more on support ang work.

Kaya I thank God tlaga for this second chance. Tignan na lang natin ang susunod na kabanata. Kasi verbal agreement pa lang naman yun. Naisip ko baka after 6 months, magbago pa isip nila so I am just hoping for the best. Pagbalik ko dito next year, dun pa lang rerenew ng agent ko yung working visa ko so by that time pa lang tlaga ako sure.

By the way, HP gave me this beautiful PDA phone as a thank you for my hardwork daw. Sweet!



The Pregancy.

Marami nag tatanung sakin "ano ang feeling?". Sagot ko "ganun pa din". Hehehe! Hindi naman ako nahirapan mag buntis. Wala akong pinag lilihihan. Si Jay-ar lang. May times na may mga gs2 ako kainin pero normal cravings lang yun e. Kahit naman nung nde ako buntis may mga cravings din ako like "parang ang sarap kumain ng ganito, parang namimiss ko na ang ganun, etc. etc.".

So far, ang pinaka mahirap lang na naranasan ko ay ang uber kati, uber pula, uber daming rashes. Thank you sa Palmer's Cocoa Butter Cream to prevent stretch marks.



My friend Apple recommended it to me. Effective daw. After I got my rashes, dun ko lang naisipan na mag research about it and I found out na for some, effective yun pero a lot of people during pregnancy are allergic to cocoa butter and I am one of them. Never, as in never in my life pa ko na allergy sa kahit ano. Kahit nga mumurahing make-up nalalagay ko sa muka ko and wala namang allergic reactions. Kahit anung food kinakain ko. Wala akong allergy before, ngayun lang. Nagiging sensitive daw tlaga ang skin pag buntis. So instead na that cocoa butter served it purpose to prevent stretch marks, tingin ko pagkapanganak ko, pwede nyo na akong tawaging queen of stretch marks. Kasi naman sobrang kati ng rashes nde ko mapigilan nde kamutin.





Meron namang medicine that I can take to ease the itchiness. Safe for pregnant women daw and no effect on my baby but I do not want to take any chances. So ang ginagawa ko na lang, pinapaligo ko na lang ang Calamine lotion. For a few hours, natatanggal nya ang kati then babalik na naman tapos mag lalagay ulit ako. The rashes lasted to two weeks and for two weeks I had sleepless nights dahil nagigising ako dahil sa kati. Ang guess what, the calamine lotion was supposed to be mild and gentle on the skin but it burned my skin. So nawala nga yung kati, I mean napagaling nya ko after two weeks, nawala ang redness at itchiness ng rashes but it burned my skin. So muka akong may malaking balat sa chan. Super supportive naman si Jay-ar. Sabi nya "mawawala din yan".. hehehe! Kaya love na love ko yun e.

Isa pang hirap pero nothing compared to rashes e ang pag inom ng sandamukal na vitamins. Okay lang sana kung maliliit lang e kasing lalaki ng bato ni Darna ang mga vitamins. Nung una, 2 vitamins lang iniimon ko. Fish oil supplements and folic acid. Both for baby's brain development. Ngayun 3 na vitamins na. Calcium, Multi-vitamins with folic acid at yung fish oil supplements ulit.





Kita nyo ba sa taas yung ganu kalalaki yan? Minsan nga natatakot ako na baka yang pag inom ng vitamins ang ikamatay ko... sa bulon. hehehe! Minsan ubos ko na yung tubig sa baso at bloated na ng tubig ang chan ko nde ko pa din nalulunon yung vitamins. Haaay! syempre kailangan tyagain dahil para kay baby yun.

Nung first few months ko, mejo insecure ako. Feeling ko kasi ang laki ng chan ko para sa month ng baby. Ang sekreto kasi nun malaki tlaga chan ko kahit nde pa ko buntis. Hahaha! Pero ngayun, going to five months ang baby maliit daw tignan ang chan ko. Okay naman ang size ni baby. Okay din heartbeat. Every month kasi sya ultrasound. Last month, pinatry namin patignan sa doctor yung gender nya. Sabi ni doc, too early to tell pa daw. Sabi namin try lang. Ang first reading, it's a girl! Weeeeh! Gs2 namin ni Jay-ar girl tlaga. Pero oks lang din naman ang boy as long as healthy and normal! This coming Friday ako mag papa detailed scan. So malalaman na namin for sure ang gender ni baby. Sana baby girl nga. May name na din sya pag girl "Mikaela Ysabelle". Pinagsamang pangalan ng 2 babae sa buhay ni Jay-ar. Hehehe! Pag lalaki, wala pa e. Iisip pa lang. Last ultrasound pics ni baby.





Yesterday was the first time I felt my baby kicked and moved. Actually nung dati pa na feel ko na sya kaya lang nde ako sure kung chan ko lang yun o si baby na. Pero yesterday was so obvious, si baby tlaga yung sumipa. After nun, lagi ko ng nararamdaman ang pag sipa at pag nagalaw sya. Excited na ko makita si baby. By April next year, malalaman namin kung sino mas malakas ang genes samin ni Jay-ar. Hehehe!

The Christmas.

Excited na ko. This is the first time na matagal ang bakasyon ko sa pinas. I will be staying sa Pinas until end of January. December 19 ang flight namin pabalik ng Pinas. Christmas tlaga is the most wonderful time of the year. Dun umuuwi ang papa ko so dun lang tlaga yung time na nakukumpleto ang family namin. Tapos dun din nakukumpleto ang mga friendships kasi yung ibang OFW friends, umuuwi din sa Pinas. Unlike pag nde pasko, iba iba ang time ng uwi namin.
Busy na kami ni Jay-ar sa Christmas shopping ngayun. Ako excited na tlaga. Sya mejo nde pa kasi may tinatapos pa daw sya na task sa work. Hehehe! Haaay.. lapit na December 19. Uwian na!!!

Ayan, mejo mahabang wento yan para sa pagbabalik. Tingin ko mas makakapag update na ko ng blog especially ngayun sa bahay na lang ako. Wala na magawa. Hahaha!

Till then. Ciao!!!

No comments:

Post a Comment